Ang guro at ang kayang mga estudyante ay nag lalakad sa isang bulubundiking lugar. Malayo pa ang kanilang lalakbayin. Ang mga estudyante ay nakakaramdam na ng gutom. wala naman silang nadaraanang puno na may bunga para makapitas sila ng makakain. Dalawang batis na ang kanilang dinaanan. Uminom silang lahat sa dalawang batis. Napawi naman ang kanilang uhay. Ang hindi lang nawala ay ang nararamdaman nilang matinding gutom. Wala rin naman mga bahay at tindahan sa kanilang dinaraanan. Maaari sana silang bumili o humingi ng anumang pagkain para mapawi ang kanilang gutom. Nahihiya naman silang mag sabi sa kanilang guro. alam nilang ang kanilang guro ay mayroong kapangyarihan. kung gugustohin nito ay maaari itong makagawa ng pagkain para sa kanilang lahat. kaya laking pasasalamat nila ng huminto sa pag lalakad ang kanilang guro at humarap sa kanilang lahat. malayo pa ang ating lalakbayin sabi nito. kaylangang magkariin tayo ng panibagong lakas. dumampot kayo ng tig isa isang bato at dalhin ninyo. dagdag pa nito. nagdamputan naman ang mga estudyante. mayroong Dumampot ng malaki at mayroong maliit. isa sa mga estudyante si Islaw. naiinis siya sakanilang guro dahil gutom na nga sila at pagod ay pagdadalhin pa sila ng bato. sa inis niya ay maliit na maliit na bato lang ang kanyang dinala't lihim pa niyang pinag tawanan ang ibang kasama dahil malakj pang bato ang kinuha ng mga ito. pag sapit nila sa isang batis ay sabi ng guro na mag papahinga muna sila doon at kakain. saan po tayo kukuha ng kakainin. inis na tanong ni islaw iyang batong pinadala ko sa inyo ay gagawin kong tinapay. sagot ng guro iyan ang magiging pagkain ninyo. sa isang pitik ng daliri ng guro ay naging tinapay nga ang mga batong dinala ng bawat isa sising sisi si islaw dahil sa pinaka maliit ang dala niyang bato
ano ang aral na matutunan dito?