Gawain sa Pagkatuto Bilang 6. Bayan Ko, Iingatan Ko, Pandemya, Lalabanan Ko! Sa gawaing ito, bigyang pansin ang kasalukuyang kinakaharap ng ating bansa. Ipamalas ang sanhi/dahilan at ang bunga/epekto nito sa bawat isa. Pumili ng isa sa mga malikhaing paraan gaya ng “Tik-Tok”, “Vlog”, “digital art” , “news reporting” , o “spoken poetry”, tula, talata. Isulat ito sa sagutang papel o ipasa sa pamamagitan ng “digital format” kung nanaisin.