Gawain1: Isulat ang MK kung may katotohanan ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang WK kung walang katotohanan ang pangungusap. ________1. Naipakita ng mga katutubong Pilipino ang kamalayang nasyonalismo sa mga huling dekada ng ika-19 na siglo. _______2. Ang Kalakalang Galyon lamang ang nag-iisang kalakalang panlabas ng Pilipinas bago ang taong 1834. _______3. Sekularisasyon ang tawag sa pagtatalaga sa Parokya ng mga paring hindi kabilang sa anomang ordeng panrelihiyon. _______4. Ang Maynila lamang ang nag-iisang lugar sa pandaigdigang kalakalan simula ng taong 1834. _______5. Ang pagkapantay-pantay at pagtaguyod ng Karapatan ng isang tao ay nakapaloob sa kaisipang liberalismo.